PT in AP, Filipino, Computer

 PT in AP - Filipino - Computer

Ginawa ni Sean Yosef C. Antenor

Ginawa noong Setyembre 23 2022

                                 Ang Aking Performance Task

Magandang araw po, ako po si Sean Yosef C. Antenor at pag-uusapan natin ngayon si Andres Bonifaco at ang paglaban niya sa Espanya gamit ang itak.




Sino nga ba si Andres Bonifacio? Si Andres Bonifacio ay isang Pilipinong makabayan at rebolusyonaryong bayani.


Siya ay madalas na tinatawag na "Ama ng Katipunan”. Ipinanganak si Andres Bonifacio noong Nobyembre 30, 1863 sa Maynila at namatay naman siya noong Mayo 10, 1897 sa edad na 33. Sa pangunguna ni Andres Bonifacio ay naitatag ang Katipunan o Kataas-taasan Kagalanggalangan Katipunan ng mga Anak ng Bayan (KKK) noong Hulyo 7, 1892.



Maagang naulila si Andres Bonifacio kaya kailangan nyang tumigil sa pag-aaral, sa kabila nito tinuruan nya ang kanyang sarili na magbasa at magsulat sa wikang Espanyol at Tagalog. Nabasa nya ang Noli Me Tangere at iba pang akda tungkol sa Rebolusyong Frances na naging daan sa kanyang mithiin na mabago ang kalagayan ng mga Pilipino sa lalim ng Espanya. Ginamit ni Andres Bonifacio ang itak para makipaglaban sa mga Espanyol. Matapos dakpin at ipatapon si Dr. Jose Rizal sa Dapitan, itinatag ni Andres Bonifacio ang KKK.


Pinili ko si Andres Bonifacio dahil madami syang naitulong sa bansang Pilipinas. Siya din kasi ang pinakakilala kong bayani sa Pilipinas. Siya ang aking idolo dahil sa kanyang katapangan at sakripisyo para sa Pilipinas. Magaling din siya sa kanyang taktik sa paglaban sa Espanyol.

Comments